Saturday, May 26, 2018

CAMP SAWI SERYE CHAPTER 1


Camp Sawi Serye

Chapter 1

The King and Queen of Campus

6am in the morning ng tumunog ang alarm ng phone..
" haist first day ko as intern", sabi ni Gi the newbie. Bakit ba dito ako naassign sa Campus SAWI ( ST Anne Wilford International) diko talaga bet pero ano magagawa ko ito lang ang way para makagraduate na ako.

isang scholar at working student si Gi kaya natagalan bago sya makakapagtapos ng International Studies Major in European History. Naassign sya sa Campus Sawi para maging substitute teacher sa Arts and History as part ng requirements bago makagraduate.

"okay, ready na ako! hmm okay na kaya suot ko?. " ate ano ba yan suot mo ang pangit, ang gurang mo!" sabi ng bunsong kapatid ni Gi.  " oo na ikaw na ang fashionista, cge ikaw na updated! palit tayo ng buhay ako aral lng ikaw magwowork noh !" sigaw ni Gi.
" Sorry naman ate, halika nga tulungan nalang kita palitan at magayos." oh, ayan mukha ka ng hot intern. hahahaha". "Umayos ka belle, alam mo naman ayoko sa school na yun pero wala ako magawa."
" ate ano ba yan history na kayo ni Seph. until now ba di mo makalimutan un mga bata pa kayo nun ah."  "kahit na pinakamasakit ung pinahiya nya ako sa harap ng maraming tao pati ung first love ko nawala sa akin. porket ba mas bata sya sakin ganun nlang ba yun. bestfriend pa naman kame tapos ganun.!" " ate, exactly bata pa kayo nung time na yun. forget na no. balita ko gwapo daw si seph at habulin ng girls. ayiee."  "shut up belle, di ko sya type at never will i fall for him.."

umalis na si gi nagmamadali papunta sa Campus Sawi ng makasalubong nya ang isang napakagandang babae si Campus Crush Kyle.  "Hi, san ba dito ung Hope Building C." " Ah derecho kalang at kapag nakita mo yung isang blue building turn right ka at makikita mo yung building na yun palatandaan ay may katabi syang fountain." sagot ni Kyle. " ah okay salamat."

Campus Crush Kyle ang tawag kay Kyle Perez dahil sa kahit anong anggulo ay napakaganda nya. 5'6 height, sexy, mestisa, mahaba ang buhok. halos lahat na sa kanya na pero may kalungkutan syang pilit tinatago.
nasa 4th year na sya studying tourism. kahit sinong guy pinapangarap sya pero kahit anong ligaw ng mga lalaki wala ni isa nakakuha ng puso nya..

""oy kyle nakatulala ka na naman!" sigaw ni shy type cara. "huh wala to, ano kaba nappaisip lang kse isang taon nalang graduate na tayo". sagot nito. " asus if i know iniisip mo na naman ung ex mong walang kwenta. pinagpalit ka sa mayamang bebot. ano ba move on kana 2 years na nakakalipas. oo andun na tayo na first love mo childhood sweetheart pero kalimutan mo na sya." payo ni cara. " haist ewan ko sayo wala pa ako nakikita na worth it na kaya mageffort para makuha puso ko. okay naman ako sa bestie ko alam mo yan." " sino si prince (mr mvp) naku ang tanong gusto kaba nya eh bestie nga lng kayo eh lagi basketball nasa isip nun." "eh bakit ikaw pacute ka ng pacute natatameme ka kapag nakikita mo si francis (boy next door) eh sya na lumalapit pero ano nahihiya ka, sampalin kaya kita ng matauhan ka." sabay tawa ng dalawa.

habang nagtatawanan si Kyle at Cara ay nakadungaw si Dri (dancefloor king). Matagal na nya crush si kyle kaya dinadaan nya sa pagsayaw para sya ay mapansin.  Elementary palang crush na ni Dri si Kyle kaso dahil iba nga gusto ni Kyle ung bestfriend nya kaya minabuting nya lumayo at maging invisible. Nang malaman nya na break na sila ng bf ni Kyle nagsimula sya magparamdam as secret admirer.

"Miss Kyle, may nagpapabigay sayo." sabi ng isang student. "salamat. " sabi ni kyle. " ayan na naman si secret admirer mo kyle. araw araw nalang laging positive quote tapos may 1 pc of roses. so ikaw na talaga" "inggit kalang cara" bungisngis ni kyle. "leche ka baka stalker yan ha kase 2 years na nya ginagawa yan pero di pa rin ngapapakilala." " takutin ba ako. pero nagtataka lang ako bakit alam nya lahat ng favorite ko. tinanong ko naman si prince hindi daw sya." "naku naku iba na yan ha. tara na nga baka malate pa tayo first day pa naman natin at balita ko bago ang teacher sa arts and humanities." habang paakyat sa classroom patuloy pa rin nakatingin si dri kay kyle na parang gusto na nya magpakilala pero natatakot sya na baka mapahiya lang sya.

Nag bell na lahat nag si pasukan na sa classroom. " shet kinakabahan ako ! kaya ko to" sabay hinga malalim ni gi. pagdating nya sa classroom agad nya nakita ang lalaking kinaiinisan nya si Seph Garcia.  Napatunganga sya at bumabalik ang nakaraan.
" Goodmorning class, Mr SEPH GARCIA! PLS SIT DOWN! " masungit na pagsabi ni Gi.  " Class im Ms Gianna Cruz, I will be your substitute teacher while Ms Lorenzo is on Maternity leave. " pagpapakilala ni Gi. " wow kaw pala teacher namin ang bata mo naman para sa position na yan. di ba gi."  sbay ngiti ni seph. " ahem mr garcia intern ako dito and call me ms cruz out of respect." " yes mam" .

habang sa kabilang classroom naman nagaantay sa bagong prof sila kyle at cara ay pumasok din si pretty girl nicole, prince at dri.  "Hi best!" lambing na pagsabi ni prince kay kyle . "hi best ano problem" " wala lang katamad pumasok napuyat ako sa practice." "nyek sira ulo ka din alam mo naman hindi pwede tamarin ka dahil kailangan mo pumasa or else goodbye basketball." " alam ko yun bessie. pwede kaba mamya? samahan mo ako sa mall. treat kita cge na." "oh cge after class lng ha." "thanks bess your the best ." sabay kiss sa pisngi ni kyle.

maya maya dumating si principal love. "class this is your new prof Sir Jhe, he is new here in school. he is fresh graduate kaya please lang ha ayoko ng kung ano ano gagawin nyo. Tandaan nyo graduating class na kayo so behave." " Hi everyone im Mr Jhed Arhjay but just call me Sir Jhe." habang nagsasalita si Sir Jhe napansin nya ang isang pretty girl na hindi nakikinig sa kanya at panay txt sa cellphone. lumapit ito at " Miss akin na phone mo" masungit na pagsabi ni sir Jhe. " what, ayoko!" sagot ni Nicole. " you are in my class kung di ka makikinig pwes the door is open, you may go at magtxt ka nlng ng magtxt." supladong sagot ni Sir Jhe. " okay fine i will leave. suplado ng prof na to." sabay labas si Nicole.

"ang suplado nya, kala mo naman super gwapo!" galit na pagsabi ni nicole habang naglalakad papunta sa canteen. "oy ang ganda ganda mo pero nakasimangot.. problema mo" sabi ni taray niam. "wala. ang suplado ang sungit ng bagong prof si .. Sir Jhe. " "ah yun muka naman eh sa mukha palang nya. pero gwapo sya. gusto mo tarayan ko mamya." " baliw ka din no gusto mo another red card kay principal love sa lagi mo pagaaway sa mga prof. graduating ka din. " sabay tinawanan lng ni niam.
"hayaan mo un ganda ako bahala.. tara samahan mo ako sa biology lab may sisilipin ako si pogi.." "ayan ka na naman wala ka pagasa kay michael, alam mo naman kilabot yun sa campus, choosy yun kahit nga ung ibang magaganda hindi nya pinapansin." "ah basta samahan mo ako." sabay hila ni niam kay nicole.

late afternoon na ng nakalabas sa class si kyle at nagmamadali sya papunta gym para puntahan si prince. sa pagmamadali di sinasadyang nabangga nya si dri na kakagaling lang sa dance practice. "ay sorry dri nagmamadali ako." "okay lang. di kaba nasaktan?" tanong ni dri. "ano kaba di naman. nagmamadali lng kase ako baka magtampo si prince may lakad kse kme. cge ha late na ako." "cge ingat" malungkot na pagsbai ni dri. habang papalayo si kyle pinagmamasdan nya ito. "haist, kelan ko kaya masasabi sayo na gusto kita..mahal kita noon pa.." "hoy dri pagibig na naman yan di mo naman masabi sa kanya" sigaw ni seph. "loko ka rin wag ka maingay baka may makarinig sayo" " sus di mo na kase aminin pa sa kanya. gusto mo gawa ako paraan na magkausap kayo at masabi mo." wag ayoko baka masaktan lng ako. close sila ni prince now wala ako laban." "ano bestfriend lang sila di ba ni mvp. sus ikaw naman ang dancefloor king ano ginagawa ng mga moves mo kung susuko ka agad. haist idaan mo sa sayaw.." sabay binatukan ni dri si seph.

Pagdating ni kyle sa gym kakatapos lng ni prince sa basketball practice.
"Prince sorry late ako ha. nagextend kse yung isang prof ko." "hmp pasalamat ka pinagshooting practice pa ako ni coach kung hindi magtatampo ako sayo." sagot ni prince.."grabe ka naman bess. ikaw na nga lang nagpapasaya sa akin simula nung maghiwalay kame." "halika nga ang drama mo yakapin nalang kita." sabay yakap kay kyle. (kinikilig naman si kyle dahil ang totoo may lihim sya na pagtingin kay prince).

Si Mr MVP prince ang hari ng baskeball court nagkakilala sila ni kyle 2 years ago ng maging muse si kyle ng school. malungkot si kyle noon habang nagmumuse at muntik na maaksidente. Si prince ang naging savior nya at lagi nito sya pinapatawa kaya mula noon naging maging magbest friend sila. habang tumatagal nagkaroon ng lihim na pagtingin si kyle kay prince subalit turing lang nya ay bestfriend.
4 years na walang gf si prince masyado sya di nakaget over sa kababata nya na umalis papuntang australia.  highschool sweetheart sila at mahal na mahal nya ito ng sobra at mula nung umalis at nagbreak sila pinangako nya na magaantay to at puro basketball muna ang iisipin nya.

habang naglalakad sa mall si kyle at prince nakasalubong nila si dri at seph.
"oy prince musta?" tanong ni seph. "oy ok naman!" sagot nito. "hi ms ganda kyle, lalo ka gumaganda ah!" pabiro ni seph kay kyle. "thank you.. i know right." sabay tawa. " dri kelan kayo sasayaw ulet?" tanong ni kyle. biglang natameme si dri sa harap ni kyle. "hoy tinatanong ka ni kyle" sabay batok ni seph kay dri. " aray ko, ay sorry kyle ah next week sasayaw kame sa opening ng game.!" "talaga cge aabangan ka namin galingan mo ha dame pa naman tilian kapag sumasayaw ka." sabay ngit si dri.. "cge mauna na kame tol gutom na kame nitong best friend ko." " bye guys see you around" pagpaalam ni kyle and prince. "dri okay ka lang!" tanong ni seph "narinig mo yun aabangan nya pagsayaw ko.!" kilig kilig pa si dri. "nemal to kilig ka na naman pero di mo masabi na ikaw yung secret admirer nya. galing mo din noh!" "ewan ko ba seph malakas talaga tama ko sa kanya!" "pansin ko nga pati utak mo may tama" sabay halakhak! "tara na nga at may libro need na mahanap kung di lagot ako bukas kay Ms Gi."

habang nasa national bookstore at naghahanap ng libro si Seph eh nakita nya sa kabilang side si Gi. lumapit ito at sabay "ahem ahem" biglang nagulat si gi at namutla. "oh bakit parang nakakita ka ng multo? gwapo naman ako!" pabiro ni seph. "kapal ng mukha mo san banda ka gwapo? patingin nga wala ako makita eh sorry!" "ah ganun humihirit ka na ha!" "idol kasi kita sa pangaasar!" "di ka pa rin nagbabago masungit at manoo ka parin" sabay tawa ni seph. " ewan ko sayo alis nga dyan at nagmamdali ako" "Gi.." bigla tumigil si gi at nagmamadali umalis.

Si Seph ang Joker. Mahilig mangasar, matangkad at gwapo. mag kaibigan sila ni Gi mula nung bata pa. magkapatid bahay sila pati yung first love ni Gi na pinsan ni seph.
bata palang sila magkakasama na sila at magkalaro. pero nung highschool junior prom ni Gi ng mapahiya sya dahil sa ginawa ni seph kaya buong batch pinagtawanan sya at pati yung pangarap nya na first dance kasama ng pinsan ay nawala dahil sa isang insidente na ginawa ni seph. mula noon hindi na makalimutan ni Gi at lumipat sya ng tirahan at school para makalimut sa kahihiyan.

"uy seph sino yun" tanong ni dri. " si gi yung kababata ko. ilang years din kame hindi nagkita mula nung nasaktan ko sya. tapos sya pla yung substitute teacher namin. intern sya now sa school." "teka sya ba yung kinukwento mo dati." "oo sya.. alam ko galit pa rin sya sa akin. kasalanan ko naman pero gusto ko bumawi sa kanya ngayon lalo na nagkita na kame ulet." "paano mo gagawin eh napaka joker mo. eh lagi ka nangaasar." " ako na bahala dun tiwala ka lang! " sabay kindat. "sira ulo ka talaga tara na nga nakita mo naba ang libro." "oo eto na"...

 habang nakasakay sa jeep inis na inis si Gi.. "sa dami dami ba naman ng makikita ko bakit ikaw pa. di na nakakatuwa ang tadhana." " kuya para" sigaw ni gi. "nakakainis nakakainis" ngitngit ni gi. " ate ano ba yan gabing gabi oh mukha mo daig pa sa warewolf kung magalit" " tumahimik ka ha mainit ang ulo ko!" " weh paringin nga parang di naman" pabiro ni belle. sabay tingin masama ni gi sa kapatid.. "sorry ate. hulaan ko nagkita kayo ni seph no !!!" sabay tawa ng kapatid. " biruin mo 5 years or 6 years  nagtago kana lahat tapos pagtatagpuin kayo. kaya pala hate mo sa school na yun hahahha" "leche ka hindi magandang biro!" "ate kase naman ang tagal na nun baka nagbago na sya! grow up ate tagal na nun.tadhana na gumagawa ng paraan para magkita kayo." "kabwisit tapos andun sya sa klase ko. sa tingin mo paano ako haharap." " ano you mean student mo sya.. shocks mapaglarong tadhana. hahahahha!" "cge tawa pa babatukan na kita!" " peace ate.. kinikilig ako." " ano sabi mo excuse me hindi ako magkakagusto sa tulad nya" "weh ang gwapo nya kaya panay silip ka nga sa facebook nya di ba kaya nga alam mo san sya nagaaral" "sira ulo ka pla malamng may common friend kme kaya lumalabas sa feedback ko" " asus dont tell me umaasa ka parin sa pinsan nya. wala na yun ate kita mo naman engaged na di ba. kay seph ka na lang bagay naman kayo. kahit noon pa naman eh kayo ang mas close at mas bagay nagkagusto ka lng sa pinsan nya dahil pinagtanggol ka sa mga kumag na tropa nila jb." "ewan ko syo dami mo alam matulog kana nga." sabay dabog pappasok ng kwarto.

late na ng gabi ng ihatid ni prince si kyle.. "bess thank you ha at nakinig ka na naman sa mga drama at reklamo ko" sabi ni prince. " hahaha para ka din babae no sa drama!" pabiro ni kyle. " cge manukso pa!" " joke lang cge na salamat sa dinner. see you tomorrow." sabay kiss sa pisngi. pumasok si kyle na tila kinikilig. "haist prince ng buhay ko hanggang magbestfriend lng ba tyo? ayaw ko na sana magmahal kaso pafall ka din eh".. sabay hingang malalim....

habang nagddrive si prince biglang tumawag si michael and kilabot ng campus. " prince saan ka?" "driving pre pauwi bakit?" " punta ka dito sa tomas morato samahan mo ako saglit isang shot lang" "cge cge tol papunta na ako"

sa labas ng bar hinila ni niam si nicole papasok sa loob. "langhiya ka niam may pasom pa tayo bukas tapos pupunta tyo dito para lang makita si michael." " ay naku saglit lang tayo favorite place nya to at ganitong araw lagi sya andito kase bukas wala sya pasok." "gaga ka rin no stalker mo!" "halika na isa tatarayan ko prof mo para lalo ka guluhin" sabay tawa! "baliw ka talaga!!!"  sa loob ng bar andun si michael at dumating na rin si prince.. "pre lunes na lunes scotch kaagad" "wala pre masarap uminum para makalimot sa problema." "pre sabi ko naman sayo maghanap ka nalang ng iba yung mamahalin ka hindi gagaguhin." "loko to parang ikaw di pa rin naka move on sa ex mo ah. 4 years gand amo rin magbigay ng advise." "well at least may past time ako" " sino? si tisay yung bestfriend pakunwari yung hot na si kyle?" " mismo! kahit sino makukuha ko! " "huta ka isa ka rin babaero eh no!" " hindi ako babaero sadyang hinahayaan ko sila maghabol. nakakapagod magmahal ng bago no. naniniwala ako babalik din sya sa akin." "paano mo nasabi babalik ex mo." "nakita ko sa facebook nagpost sya coming home soon at wala sya boyfriend" " cge goodluck tol!"

habang nagiinuman sila nakadungaw si niam kina michael. " ayun sila oh tara kakapalan ko na mukha ko" " shet ka niam nakakahiya!" "kung ayaw mo ako nalang lalapit maiwan ka dyan muna sa table at uminom mag isa!" "niam ano ba!" abay alis si nima papunta kina michael. " hi boys!" " ahem" sabi ni prince! " oh niam dito ka rin!" " napadaan lang, hi michael!"  "hi! ang sexy mo naman!" "thank you! tara inum tayo!" " bakit kaya mo ba ako sabayan?" "oo naman basta ikaw!" " pre alis na ako may practice pa ako, total andyan naman si niam!" " cge pre salamat"

Michael ang kilabot ng campus. siya nag pinaka gwapong student sa buong campus. smart, mayaman, maangas, ang tagapagmana ng isang malaking real estate business sa bansa. almost perfect guy pero yung araw na nagpropose sya sa long time gf nya ay nabigo sya dahil nainlove ang gf sya sa ibang lalaki. mula noon lagi sya umiinom at ginulgol ang oras sa pagaaral. graduate na sya ng management pero kumuha pa rin ng extra course para makalimot sa sawing pagibig.

"kainis ka niam iniwan mo ako sa ere" inis ni nicole. sa sobrang inis ni nicole hindi nya namalayan naubos na nya nag isang pitchel ng margarita. "syet nahihilo na yta ako." " hi miss pwede ba kita samahan" sabi ng isang lalaking hindi kakilala. " sorry may kasama ako inaantay ko lng" " ang taray mo naman! Huwag kana pakipot miss" sabay hawak sa braso. " ano ba bitiwan mo nga ako!" " bitiwan mo sya pre. sinabing ayaw nya di ba" sabi ng isang lalaki na matangkad, maputi at may matipunong katawan.  nagulat si nicole sa nakita nya. " sir jhe?" " bakit gf mo ba sya para pigilan ako?" " eh baliw ka pala oo gf ko sya kaya bitiwan mo kung ayaw mo magkagulo tayo dito" sabay umalis ang lalaki. " sir jhe" pabulong ni nicole. " okay ka lang ba?" sabay nahilo si nicole at sinalo ni sir jhe si nicole.

7am na ng magising si nicole.. "shet sakit ng ulo ko, gaga yun si niam nagiwan sa ere!" pagkagising ni nicole nagulat sya dahil iba ang higaan nya. "teka asan ako? hindi ko kwarto to ah! shet asan ako! omg wait buo naman damit ko pero asan ako!" " oh gising kana pla!" pagpasok ni sir jhe sa kwarto! " Sir Jhe? ano ginagawa ko dito?" "tsk tsk iinum ka ng marami  tapos hihimatayin ka. so ano gagawin ko malamang iuwi ka sa condo dahil hindi ko alam tirahan mo." "aga aga sermon! bakit hindi mo tinawag kasama ko." "kasama? wala me nakita" " gaga talaga si niam iniwan ako sa ere lumandi talaga kay michael" " eto magkape ka muna at kumain bago umuwi para magbihis." "pano may class po ako ng 8:30am" "cge excuse na kita muna pero pumasaok ka sa ibang class mo" " salamat" sabi ni nicole habang nahihiyang inaabot ang kape.

umuwi agad si nicole para maligo at magbihis ng tumawag si niam
"hello nicole asan ka?" "ewan ko sayo iniwan mo ako sa ere" "sorry naman ang kulit kase ni michael. kinilig tuloy ako sarap nya kausap kapag lasing kaso di ko malandi iwas ng iwas kahit lasing alam nya." "hay naku landi mo sige na nagbibihis ako kwentuhan nalang tayo sa school mamya"

Pretty Nicole-mayaman, only daughter at lagi wala parents nya dahil sa hiwalay ang mga ito. maganda at isa sa cheerdancer ng campus. buhay lagi social media dahil dito saya nakakakita ng kasiyahan sa malungkot nyang buhay. NBSB dahil natatakot sya umibig at masawi tulad ng nangyari sa parents nya.

habang nasa bayahe si Nicole itoy nagiisip ng malalim. "kaloka naman si sir jhe sa dame dame ng sasalo sa akin bakit sya pa. ung supladong prof pa. nakakahiya hinimatay ako sa harap nya. haist!"

pagdating sa campus naglalakad si cara papunta sa admin office para ipasa yung mga ibang requirements nito para sa kanyang pagtatapos ng makita nya si boy next door francis papasok sa principal office.
"ano ginagawa nya kay principal?" habang pasilip silip sa pintuan.
" hoy cara! ano sinisilip mo" sigaw ni genius llee. "ang ingay mo ano ba" "asus sinisilip mo si francis dun sa opisina ni principal no" "oo bakit mo alam" "well tuwing ganitong oras tue and thursday schedule talaga si francis sa opis ni principal." " ano di ko magets bakit?"

Mr Boy Next Door Francis- Scholar ng Campus SAWI. galing sa isang simpleng pamilya pero nagaral mabuti para makatapos ng pagaaral. si Principal Love ang tumulong sa kanya para makakuha ng scholarship sa school. Nagkakilala sila ng sumali si Francis sa isang competition at simula nun naging close sila pero mukhang may lihim na pagtingin si Principal Love kay francis.

Ms Principal Love- sexy at magandang principal ng CAMPUS SAWI. mapangakit at kahit sino mapapawow sa kanya. Sa kanyang talino at abilidad kaya maaaga sya napromote as principal. sya ang pinakabatang naging principal ng CAMPUS SAWI. marami din sya pinagdaanan kaya mas gusto nya ang mas bata when it comes to a relationship.

Shy type Girl Cara- ang mahiyain lalo na kapag nakikita nya si francis.  bestfriend ni kyle. morena, slim at cute si cara kaso mahiyain. nagiisang babae kaya nasanay sya na laging baby sa pamilya at sa loob lng ng bahay kaya walang social life. first year college sya ng makilala sa kyle at si kyle ang tumulong sa kanya para unti unti mawala ang kanyang shyness at nung minsan mabully sya si francis ang naging tagapagtanggol nya. mula noon naging crush nya na si Francis.

"llee di ko gets bakit may schedule si francis kay principal tuwing tue and thursday?" tanong ni cara. " di ko rin alam basta alam ko close sila at scholar si francis di ba" "alam ko scholar sya pero bakit sila super close?" "well, many are asking that as well and some say maybe they have a relationship" "ano? teka nosebleed ako syo llee.. ayusin mo nga" "ang slow mo cara. meaning baka may relasyon sya" biglang natahimik si cara at unti unti tumulo ang luha nya. " hoy cara are you okay?" " ha oo okay lng ako cge nagmamadali ako" sabay takbo papalayo. "totoo ba tong nalaman koh . hindi imposible. ang tanga ko bakit kase nahihiya ako tuwing lalapit nya. ano ba cara.."

habang tumatakbo bigla nya nakasalubong si dri na may hawak hawak na isang rose at small letter na tila nilalagay ito sa labas ng locker ni kyle. "huli ka!" gulat ni cara kay dri. "so ikaw pala ang secret admirer ni kyle." namutla si dri na di alam ang gagawin. "ha ah eh" "wag kana mahiya pa hindi ko sasabihin kay kyle." "sorry ha alam ko dapat matagal ko a sinabi kaso nahihiya ako baka layuan nya ako." tumawa lng si cara. "alam mo dri gusto kita kay kyle kaysa kay prince. cge ituloy mo lng yan ako bahala sayo. pero advise lang ha mas maaga malaman dapat ni kyle baka maunahan kapa ng iba kung talagang mahal mo sya." sabay nagpaalam si cara. " salamat" sagot ni dri. " takte yun buti mabait si cara. haist bakit ba ang torpe ko!" sabay dinalian nya paglagay ng rose at letter bago maabutan ng bell.

pagring ng bell sabay takbo si dri para di sya maabutan ni kyle.  naglalakad si kyle ng makita nya ang locker nya ng white rose at letter. "kanino ba galing to?" "your pretty eyes is just like the sun so bright and it gives sunshine to my day.. your pretty smile is sweet as chocolate it melts my heart.." "grabe ang sweet naman nya. haist kelan kaya kita makikila mr long time admirer, kaso sino ka nga ba?" napapaisip si kyle kung sino nga ba ang secret admirer nya talaga.
"hey pretty bez" sabay yakap ni prince kay kyle. "bez ikaw ba ang secret admirer ko huh?" sabay ngiti si prince.. " malay mo hahahha" " tarandado ka wag ka magbiro ng ganyan bez" "alam mo tara na nagugutom na ako may practice pa ako after. halika na samahan mo sa cafe. "

pagdating sa cafe eh may away nangyayari between sa group nila seph at ng isang group sa ibang department. "gago eric ka pati chick ng tropa namin susulutin mo. langhiya ka!" galit na sinabi ni seph. "aba kasalanan ko kung mas gwapo ako sa tropa mo at mas mayaman ako." "aba ang sabihin mo ginagamit mo yang pera mo para mabili mo tapos kapag kumagat na sayo at nakuha mo gusto mo eh iiwan mo sa ere tulad ng ginawa mo sa kapatid ko." sabay nagsuntukan ang dalawang grupo. " ano nangyayari doon?" tanong ni gi sa mga student. " ms gi nagaaway yung group nila seph at group nila eric. " " ano pahawak muna to at pupuntahan ko."
"boys ano ba hindi ba kayo titigil!" sigaw ni Gi " para kayong nasa boxing ring! kung gusto nyo dalhin ko kayo sa boxing gym at doon kayo magboxing at masuspend kayo for the rest of your semester!" " hindi naman kame nauna" sagot ni seph " anong hindi" sabay sagot ni eric at ng bigla ito sumugod napagitnaan si Gi at nasaktan. "Gi" sigaw ni seph at sabay kayap para maprotektahan. dumating bigla si principal love at lahat nanahimik. "hindi ba kayo titigil" sigaw ni principal love. "seph at eric at ang group nyo i will see you in the office at 4pm" bigla napatulala si gi habang yakap sya ni seph. " gi okay ka lng ba? tingnan mo may sugat ang mga braso mo. halika dalhin kita sa clinic" natahimik si gi at walang masabi habang papunta sila ng clinic. habang ginagamot si gi tinititigan lang sya ni seph at di makatingin tuloy si gi ng deretso sa kanya. "ahmm salamat nurse" "okay kana ba gi?" " huh ah eh oo okay na ako. salamat kanina!"
"ihatid na kita hanggang sa faculty total malapit lng doon next class ko." "seph be honest ano ba nangyari at napaaway kayo." nagkwento si seph habang naglalakad sila papunta ng faculty. "seph. thank you ha." "welcome gi." sabay ngiti. pagpasok ni seph sa class ay kinausap ni gi si principal love para sabihin ang katotohanan.

4pm na at di makapakali si gi kakaisip kung ano mangyayari sa decision ni principal love sa dalawang group. " hoy ms gi ano ba yan kanina kapa paikot ikot nahihilo na ako." " sorry naman sir jhe" " kung ako sayo pumunta kana doon sa opis ni principal para malaman mo" " ayoko nga baka mamya eh" " anong baka sinabi mo lang ang totoo at nalaman mo! Cge na pumunta kana!" 4:30pm ng nakarating si Gi sa labas ng opis ni principal love at tamang tama kakalabas lng ng group nila seph. pagkakita ni seph kay gi bigla nito niyakap at binulong" thank you". nagulat si gi at natameme. "di kame suspended pero mag 20hrs of community service kame for 1 month. " " ah ganun ba eh di good for you" sabi ni gi. " sila eric naman 40hrs of community service for 2 months." " i see, well thats good. kaya behave na kayo ha!" "kame pa goodboy naman ako eh" sabay ngiti lng si gi. " well cge aalis na ako ha at marami pa me tatapusin" " Gi, pwede ba kita sunduin mamaya. i mean antayin after. invite sana kita sa labas kung okay lang. please marami tayo dapat pagusapan.." biglang hinawakan ni seph ang kamay ni gi at nagmakaawa sabay tinitigan ito ni gi.. " cge seph pumapayag ako.." at ngumiti ito..

to be continued..




No comments:

Post a Comment